Posts Tagged ‘catanduanes’

Bagamanoc in my mind

Wednesday, September 24th, 2008

Ako ay bagamanocnon, at sa mga panahong itoy kinakabahan ako, natatakot ako. Ipinarating ng aming mga kaanak na pinasok ng isang mining company ang aming mahal na bayan.sa pakikipag sabwatan na rin ng mga politikong walang kaluluwa!. ang target nila: ang itim na itim na buhangin na balak nilang pag kunan ng “coal” o uling.

Nakakabahala ito sa maraming dahilan, una ang sisinghap singhap ng ekolohiya at kapaligiran sa amin ay mawawasak ng tuluyan, 80 porsyento pa naman ng aming mga kababayan ay sa yamang dagat umaasa.

Ikalawa at higit na kahindik hindik ay ang bantang lamunin ng dagat ang aming mga tirahan. Sa loob lamng ng isang dekada, talong (3) kalsada na ang nilamon ng dagat, agresibong umaabante ang dagat sa amin, at ang mga ampaw na dike ng mga kurakot ng politiko at kuntraktor ay napatunayang walang silbi!

Papano na kung ang miminahin ng mga dayuhang ito ay ang mismong BUHANGIN?Lalong bibilis ang pag guho nito pailalim, at lalong aabante ang dagat, sa isang iglap ay mapapawi na ang mahal kong bayan sa mapa!

Sa isang banda hindi na nakakabiglang kayang ibenta ng mga politiko ang buhay ng taumbayan. Isang Flagship program ng gubyerno ni Gloria ang Pagmimina, para syang tinderang nilalako sa mga dayhang kapitalista ang likas yaman ng bansa! Sa rapu-rapu, sa romblon, sa mindanao o sa benguet at ngayon sa bagamanoc! At dahil mamumuhunan, dapat may babawiing tubo? kaya di bale kung mag kasira sira ang paligid, mag ka patay patay ang taumbayan, lumubog man ang boung isla o bayan, basta ang tubo malaki.

Marami akong masasayang alala sa Bagmanoc. Noong bata pa ako tuwing bakasyon at pasko ay umuuwi ako doon. Tuwing umaga nasa pampang, naliligo sa dagat na may arkiladong salbabida kina ” tang otik”, nakiki”butong” sa Sinsoro, nakikipag “puyahan” ng “lamdok” na bolang buhangin. Minsan namimingwit ng isda sa may sirang dike ng ilaya. Gabi- gabi ay nakikipag patintero sa daan at nagluluto ng masarap ng pinakro.Pagwalang magawa, maglalakad papuntang “bonbon” habang” nangbubugitis” o nag go”gokoy” hunting.Twing mahal na araw, parati akong may papel sa “kalbaryo” minsan anghel, minsan hudeyo. masaya ding mag mountain climbing para makakuha ng “matang uyang” at “katmon”.

Pero pag magtuloy tuloy ang mina, magiging alaala na lamang ang mga ito…

Hindi ako papayag, lalot higit ay alam ko nang ang mga tao at hindi ang mga bagay ang mapagpasyo!

Hindi nga bat ang pagkakaisa ang susi sa anumang tagumpay? at ang militanteng pag laban ang tabak upang manalo?

Hinahamon ko ang mga kababayan ko. Bantog ang mga bagamanocnon bilang mga magiliw, masayahin at mababait.Subalit, likas din sa tao ang lumaban at magalit sa harap ng pang aapi at pambubusabos,

sana sama sama tayong magalit at lumaban!

iligtas ang bagamanoc!
mapangwasak na minahan, tutulan, labanan, wag payagan!