isang hakbang pasulong!
![[satur+ocampo.jpg]](http://4.bp.blogspot.com/_uusM2xHXBUg/RhEUfuZG7eI/AAAAAAAAABU/dibndqIBeXU/s1600/satur%2Bocampo.jpg)
isang makasaysayang pangyayari ang namumuo sa ngayon, kung nooy usap usapan pa lamang at bulong bulongan ang napipintong pag kandidato ng mga makabayang representante natin sa mas matataas na posisyon, di na nakakabigla na inanunsyo na noong nakaraang abril sa kongreso ng pagtatatag ng Makabayang koalisyon ng Mamamayan ang seryosong pagtingin na kailangan nang magkaroon ng representasyon ang mga demokratikong mga sektor ng lipunan sa Senado.
Nitong nakaraang linggo lamang isang website ang ginawa ng mga tagapagtangkilik ni KA SATUR OCAMPO upang hikayatin syang pumailanlang na sa pagtakbo bilang senador,layon din nitong kumalap ng suporta at siguruhin ang pagkapanalo ng makabayang representante ng Bayan Muna.
Isang malaking hakbang ito at manapa’y malaking hamon din sa pambansa demokratikong kilusan at sa mga kaanib at taga suporta nito. Ang realidad ng eleksyon sa pilipinas ay nakakasuka na bago mo pa ito tuluyang mailahad bukod pa sa magastos, isa sa mga allergic sa sistemang ito ay ang mga aktibista. subalit sa layong lalong maitambol ang pulitika ng Pagbabago, Pakikibaka at Pag-asa kailangan paglingkurin ang politika sa pilipinas sa sambayanan.
May pailan ilang nag tataas ng kilay sa anila’y ambisyosong panaginip ng mga “makakaliwa”. Pero alam naman nating mag pabotox man ang mga walang hiyang ito ay talaga namang “nega” sila sa mga gawain ng kaliwa, baka nga insecure pa. Anung political group nga ba naman sa pinas ang may kakayahang mag lunsad ng national coordinated na maga pagkilos? anung kilusan ba ang mayroong organisasyon sa halos lahat ng sector ng lipunan? aling samahan ba ang may pinaka disiplinado at mulat na kasapian? Hindi ba silang mga NAT DEM LANG!, wala ngang pera, pero may tao naman. Ang mga Tao hindi ang mga pera este ang mga bagay ang mapag pasya.
Kaya naman all out na ang mga cyber activist sa kamapanyang tinawag nilang satur4senator movement, binabaha na ang mga blogs,social networking sites at iba pa.
Mananalo si ka satur at ang iba pang kandidato ng makabayan, una dahil may taumbayan silang sinasandalan, at may mga masisipag at matatalinong tagapagtangkilik ang kanilang mga dakilang layunin.!
para sa pag sali pumuta sa http://satur4senator.ning.com/
