Bagamanoc in my mind
Ako ay bagamanocnon, at sa mga panahong itoy kinakabahan ako, natatakot ako. Ipinarating ng aming mga kaanak na pinasok ng isang mining company ang aming mahal na bayan.sa pakikipag sabwatan na rin ng mga politikong walang kaluluwa!. ang target nila: ang itim na itim na buhangin na balak nilang pag kunan ng “coal” o uling.
Nakakabahala ito sa maraming dahilan, una ang sisinghap singhap ng ekolohiya at kapaligiran sa amin ay mawawasak ng tuluyan, 80 porsyento pa naman ng aming mga kababayan ay sa yamang dagat umaasa.
Ikalawa at higit na kahindik hindik ay ang bantang lamunin ng dagat ang aming mga tirahan. Sa loob lamng ng isang dekada, talong (3) kalsada na ang nilamon ng dagat, agresibong umaabante ang dagat sa amin, at ang mga ampaw na dike ng mga kurakot ng politiko at kuntraktor ay napatunayang walang silbi!
Papano na kung ang miminahin ng mga dayuhang ito ay ang mismong BUHANGIN?Lalong bibilis ang pag guho nito pailalim, at lalong aabante ang dagat, sa isang iglap ay mapapawi na ang mahal kong bayan sa mapa!
Sa isang banda hindi na nakakabiglang kayang ibenta ng mga politiko ang buhay ng taumbayan. Isang Flagship program ng gubyerno ni Gloria ang Pagmimina, para syang tinderang nilalako sa mga dayhang kapitalista ang likas yaman ng bansa! Sa rapu-rapu, sa romblon, sa mindanao o sa benguet at ngayon sa bagamanoc! At dahil mamumuhunan, dapat may babawiing tubo? kaya di bale kung mag kasira sira ang paligid, mag ka patay patay ang taumbayan, lumubog man ang boung isla o bayan, basta ang tubo malaki.
Marami akong masasayang alala sa Bagmanoc. Noong bata pa ako tuwing bakasyon at pasko ay umuuwi ako doon. Tuwing umaga nasa pampang, naliligo sa dagat na may arkiladong salbabida kina ” tang otik”, nakiki”butong” sa Sinsoro, nakikipag “puyahan” ng “lamdok” na bolang buhangin. Minsan namimingwit ng isda sa may sirang dike ng ilaya. Gabi- gabi ay nakikipag patintero sa daan at nagluluto ng masarap ng pinakro.Pagwalang magawa, maglalakad papuntang “bonbon” habang” nangbubugitis” o nag go”gokoy” hunting.Twing mahal na araw, parati akong may papel sa “kalbaryo” minsan anghel, minsan hudeyo. masaya ding mag mountain climbing para makakuha ng “matang uyang” at “katmon”.
Pero pag magtuloy tuloy ang mina, magiging alaala na lamang ang mga ito…
Hindi ako papayag, lalot higit ay alam ko nang ang mga tao at hindi ang mga bagay ang mapagpasyo!
Hindi nga bat ang pagkakaisa ang susi sa anumang tagumpay? at ang militanteng pag laban ang tabak upang manalo?
Hinahamon ko ang mga kababayan ko. Bantog ang mga bagamanocnon bilang mga magiliw, masayahin at mababait.Subalit, likas din sa tao ang lumaban at magalit sa harap ng pang aapi at pambubusabos,
sana sama sama tayong magalit at lumaban!
iligtas ang bagamanoc!
mapangwasak na minahan, tutulan, labanan, wag payagan!
October 6th, 2008 at 5:01 pm
i’m from panganiban, catanduanes. we’re all behind the people of bagamanoc in their battlecry against this act na hindi lamang sisira sa kabuhayan ng ating mga kababayan; kungdi magbubukas ng pinto sa mga taong nais magsamantala at umabuso…
as a development worker, i personally believe na dapat lamang na dumaan ito sa proceso na ang primary consideration ay ang welfare ng mga tao… a community consultation should have been undertaken; transparency as to health and environmental effects should have been studied very well by authorized agencies; there should have been due process conducted before this was implemented and considered as a “closed deal.”
padagos kitang magkasarado…
padagos sana kita!
October 14th, 2008 at 2:23 am
I think its not only Bagamanoc that is threatened by this mining venture but in Payo as well. We have a very delicate eco-system that is often battered by heavy rainful and typhoons, yet why our leaders opted to allowed such venture to take place? It outstrips even our collective comprehension.
Are they after for a quick buck?
To extract magnetite ore on our coastlines and to hoodwink our people into believing that a fish port would be build could be considered a heinous crime.
Please correct me if I am wrong.
October 17th, 2008 at 3:45 am
nice one payonhon! read your blog and its great. by the way, taga payo man tabi ako. my mom is from salvacion payo. sumalde-gultia po ang clan namo jan.
November 1st, 2008 at 9:48 pm
great shan! i know the gultia-sumalde clan personally and i suppose your a third generation gultia. i’m from intuba and obviously you know where that place is…hehehe! the area where karbaw and dogwak are a common sight.
best regards to you all and mabalos pag bisita, kung gusto mo tawan nin access sa blog ko para mag post, pwede din.
November 3rd, 2008 at 4:14 am
never heard of intuba before, wehe im more familiar with kan-udang, yeah dogwak, karbaw and mah favorite katmon. yer blog is cool already dont wanna infuse some more analysis. hehehe. hope ull have a networking site account so we can see u also, and dami mo nang fans ah. hehehe
November 7th, 2008 at 4:28 am
intuba is located at the town outskirts, parallel with salvacion. your folks live in intuba too.
I never thought I have fans, hahaha! i do have a social networking page in facebook but most payonhons prefer friendster, i suppose.
November 8th, 2008 at 7:59 am
uhmm i dunno bout other family livin in intuba, only my aunt and her family lives in salvacion. kami lahat either sa virac na lumaki o nasa ibang lupalop. and yeah “bakya” crowd kami thats why we prefer friendster over the more ” elitist” facebook wajejeje. san ka pala based ngayon
November 8th, 2008 at 7:05 pm
elitist? its only a matter of perception because facebook was once a social network for harvard university alumni and students. anyway, its individual choice and preferences.
right now, in manila.
November 11th, 2008 at 12:21 am
and by that its elitist hehe, para yang ali mall at gateway inde mo mapagtatabi. anyway ganun ako qc based nurse ako sa isang natl hosp dito. kaw wut keeps u busy?