shano

bakit lahat ng nag hohost sa wowowee ay tumitinis ang boses?

Archive for July, 2008


RAMDAM NA RAMDAM!

Ilang buwan na ring nakabalandra sa kahabaan ng quezon ave. at sa marami pang lugar ang mga trapal-patalastas na nagsusumigaw ng mga katagang tulad ng: RAMDAM ANG KAUNLARAN! with matching ngisi pictures ni Mahal na pangulong Gloria (hayup sya!).

Ngayong buwan dinagdagan pa ito ng mga square tarpaulin ads na nakasabit naman sa mga over pass ng MMDA na gayundin ang mga kataga: RAMDAM ang KAUNLARAN! with matching ngisi pics ulit ng Mahal na pangulong Gloria (hayup sya ulit!).

Sa isang bansang hinahagupit ng krisis at kahirapan samahan pa ng trahedya left and right na lalo pang pinalala ng soooooobrang ka inutilan ng pamahalan ( gaya ng bobong pag manage sa trahedya involving Suspicious lines, at ang palpak na disaster management tuwing may bagyo) Natotorete ako sa pagmamaganda ng gubyernong ito sa mga kapal muks na patalastas tulad ng nabanggit sa itaas.

Naitala ang pinaka mataas na inflation rate sa loob ng 14 years ngayong taon, lomobo ito ng 11.4 percent noon lamang Hunyo.Ang Inflation ay ang "sustenadong pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga produkto at serbisyo. Sa pagtaas ng Inflation nababawasan ang tinatawag na purchasing power ng bawat piso, sa kasalukuyan ang tunay na value ng bawat piso natin ay 60 sentimo na lamang.

Ilang buwan pa lamang ng mawindang ang buong bansa sa biglang tinaas ng presyo ng bigas, kaalinsabay ng pangkalahatang krisis sa pagkain na sumambulat sa mukha ng bawat isa sa atin. Nadiskubre na palpak at tila walang long tern na plano ang pamahalaan sa pambansang programa sa pagkain at agrikultura, ayon sa pag aaral "The price of rice alone jumped 43 percent, while that of food in general rose 17.4 percent. Food accounts for 60 percent of a poor family’s consumption, according to economists". Ito ang kunsekwensya ng isang ekonomiya na export oriented at import dependent kesa sa pambansang industrialisasyon ang inaatupag.

Noong Sabado ng hatinggabi, tumaas na naman ang presyo ng produktong petrloyo, ito na ang ika 18 sa taon lamang na ito, pumapatak na sa 60 piso ang presyo ng gasolina- 50% pagtaas kumpara noong JUNE 2005.

Sabi ng mga dambuhalang kumpanaya ng langis at maging ni Heneral Angelo Reyes ng Kagawaran ng Enerhiya, patuloy ang lingguhang pagtaas sa presyo ng gasolina hanggang di nila nababawi ang mga sinasabi nilang Under Recoveries o lugi daw nila.(pucha kawawa naman ng mga kumpanyang ito, nalulugi, pucha talaga). Samantala ang hirap na mga drayber ay umaalma na rin at humihingi ng dagdag pamasahe upang maka agapay sa pagtaas na ito.Sa huling balita’y aaprubahan na ng LTFRB ang dagdag sa pasahe na magigi nang 8.50-10 piso sa unang apat na kilometro.

Sa kabila ng lahat na ito, nag pipiyesta ang gubyerno sa pag kamal ng super tubo sa pamamagitan ng E-VAT na ipinapataw sa lahat ng batayang serbisyo at produkto kasama na ang kuryente, langis at pagkain. Sa produktong petrolyo lamang ayon sa pag aaral ng Bagong Alyansang Makabayan "removing the VAT on petroleum could immediately bring down the pump price of diesel by around P6.53 a liter; gasoline products, more than P7.26 a liter; and LPG, about P87 per 11-kg tank." Dagdag pa ng BAYAN "For every P1 per liter in oil price hike,the government collects an extra P5.5 million daily in oil VAT, of which P2.12 million come from diesel".

Sa kabila ng panawagang i repeal ang OIL DEREGULATION LAW at ang VAT isang malutong na HINDE ang sagot ng gubyerno, pano ang laki ng kita nila sa buwis, buwis na hindi natin pinakikinabangan, iba talaga ang PINAS, pati paghihirap binubuwisan!

Noong Mayo UNO, ipinag malaki ni Gloria ang pagtaas umano ng sahod ng mga manggagawa, 25 piso kada araw sa pribado at 10% sa buwanang sahod ng mga empleyado ng pamahalaan, malayong malayo sa panawagan ng sektor pagawa na 125 piso/3000 piso across the board nationwide. Di pa man nakukubro ang dagdag sahod ni Gloria, natunaw na ito ng Inflation! (pucha talaga!)

Ngayon, asan ang Ramdam na Ramdam na pag asenso? pUCHA, Ramdam ang pag asenso, Ramdam ang kaunlaran? asan? hel;ooooooo ng aliens ba kayo? 

Sa kabilang banda, oo may mga pwedeng mag salita na ramdam nila ang pag asenso, Ramdam na RAmdam nga nila ang kaunlaran: eto sila

ayon sa PCIJ:

"SINCE she assumed the presidency in 2001, President Gloria Macapagal-Arroyo’s personal wealth has increased by 18.7 percent or P12.49 million."

"In her latest Statement of Assets and Liabilities, Arroyo’s net worth totaled P79,284,608.64, while her net worth in 2001 was at P66.78 million. In both years, bulk of the assets was cash on hand and in bank: P55. 4 million in 2005 and P54.3 million in 2001. In 2004, Arroyo had a total of P61.17 million of cash on hand and in bank."

Bukod kay Gloria, bundat din sa pag asenso sina MIKE na padrino ng mga maanumalyang kuntrata, si Mickey, Dato at Iggy na experto sa under the table scheme sa Tongress.

Kasama nila sa pag asenso ang mga kapanalig, kampon at kakampi nila sa elitistang burukrasya na walang gnawa kundi mag payaman at mag"paunlad". OO nga ramdam nila ang kaunlaran!

Tayo RAMDAM na RAMdam Ang KRISIS, IPARAMDAM NA NATIN ANG GALIT NG MASA!