shano

bakit lahat ng nag hohost sa wowowee ay tumitinis ang boses?

Archive for May, 2008


on mother’s day

Go to fullsize image

Bukas araw ng linggo ay tinaguriang ‘Mother’s day" as usual mukhang pinapaypayan at mas exited pa ang mga malalaking kumnpanya sa pagbibigay "hype’ sa araw na ito.. tsk tsk tsk wala na talagang piniling araw ang pagkaganid, lahat na lang gustong lamunin ng komersyalismo. Anyway, masaklap na araw ito ng mga ina, gugunitain nila ito sa harap ng todo todong krisis na nararanasan natin sa kasalukuyan.

Ang mga nanay daw ang ilaw ng tahanan, sila ang punong abala sa loob ng bahay. taga badyet ng gastusin, taga luto -taga-lahat. Mga superwomen ng makabagong panahon. Mahirap ang buhay sa ngayon. Walang ampat ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo, dagdagan pa ng sadistang pagpataw ng pamahalaan ng mga pabigat na buwis at pagmamanipula nito sa bentahan ng bigas. Sa kabilang dako ang mga manggagawa ay ayaw umentuhan ang kakarampot na sahod. Ngayong pasukan, nag anunsyu na ang mga ganid na malalaking unibersidad na mag taatas muli ng tuition. Sa gitna ng lahat ng ito ay ang ating mga nanay. Ilan kaya sa kanila ang di na makatulog sa kakaisip ng paraan upang unatin banatin pa ng husto ang kakarmpot na badyet. ilan kaya sa kanila ang namemorya na ang lahat ng santo sa kakadasal na sana naman wag silang magkasakit dahil dagdag na naman ito sa pasanin nila. Ilan kaya sa kanila ang umiiyak ng lihim dahil di nya maibigay sa kaniyang pamilya ang sapat at wastong pagkain?

Sa harap ng krisis na ito, Dinadakila ko ang lahat ng ina, (kasali na ang nanay ko na bagamat di ko kayang sabihin personal ay lubos kong minamahal at hinahangaan) Silang kumalong sa ating ng maraming buwan sa kanilang sinapupunan, nag sakripisyo para sa atin upang mabigyan tayo ng sa abot ng kanilang makakaya ay mabuting buhay…

Sa araw ding ito nais kong ibuhos ang aking sama ng loob sa nag aastang ina ng bayan- si Gloria Macapagal-Arroyo! sa mga press releases nito lagi nyang ibinibida ang kanyang pagiging ina ng bayan, pwes kung sya rin lang ang magiging ina ko, mabuti pang maulila na lamang ako! Kailanman ang kanyang mga patakaran ay di nagpapakita ng pagka ina sa mga pilipino. Walang inang nag papataw ng pabigat ng buwis sa mga naghihirap nyang anak, walang inang pumapatay sa mga mamamayan nito, walang inang nagsisinungaling at nangdarahas, walang inang nagnanakaw at nag papakabusog sa paghihirap ng bayan! Hindi sya ina….isa syang berdugo ng kabuhayn at buhay ng mamamayan.

Sinasaluduhan ko din ang mga militanteng nanay ng ating panahon, mga makabagong Gabriela na hindi nagpakasapat na magsilibing ilaw sa loob ng apat na poste ng kanilang tahanan, silang nakisangkot sa pakikipagtunggali para sa katarungan, pagkakapantay pantay at pangmatagalang kapayapaan..  nagsisilbing tagapagdala ng ilaw ng pag asa sa isang madilim at nakaririmarin na lipunan sa ngayon. Marami sila..nasa ibat ibang sektor, lugar at larangan..marami na sa kanila ang pinaslang ng mga pwersa ng kasamaan (estado) subalit higit na marami ang nagpapatuloy..mga nanay na nag nanais ng mabuti, at payapang lipunan hindi lamang para sa kanilang anak kundi para sa mga henerasyong magmamana nito.mabuhay ang mga nanay!