nars
Mahirap ang trabaho ng isang nurse, bukod sa napaka " taxing" physically ay kukubain ka sa emotional baggage na bitbit bitbit sa tuwing makakasalamuha ang mga pasyenteng may kanya kanyang kwento kung bakit naratay sa karamdaman. Lalot higit ng kalagayang ito ang mga tulad kong public hospital nurse.
Parte ng sinsabing "therapeutic communication" ng mga nurses ang makipag kagaanang loob sa mga pasyente at kanilang bantay, mahalagang salik sa pagbibigay lunas sa karamdaman nila ang matiwasay na relasyon ng mangagawang pangkalusugan at ng pasyentet bantay.
Ang mga narses ay tao rin, nababagot, napapagod, nagtataray, minsan maraming nagsusungit, pero kadalasay nakiki "emphatize" sa kalagayan ng kanilang nagiging pasyente. Siguro’y lahat na ng mga kakilala kong nurses ay sa isang banday nag abono o kumargo na ng isa o dalawang reseta dahil walang pambili ang pasyente, maka ilang beses na nag pahiram cellphone o pera upang makabili ng pagkain ang bantay o makatawag sa malayong kamag anak nila.
Isa na rin sa nagdudulot nito ay ang mismong kapalpakan ng gubyernong iparyoritisa ang pag bibigay ng badyet sa mga batayang serbisyo tulad ng kalusugan. Mas inuuna pa ng pamahalaan ang pag bayad ng mga walang kwentang utang kesa sa kalusugan ng mga juan at juana dela cruz. ayon sa pag aaral ng Ibon foundation, kulang kulang 30 centimos kada araw lamang ang badyet ng pamahalaan para sa kalusugan ng bawat isa sa atin, ni generic na paracetamol ay di makakabili nito. idagdag pa ang pag papabaya ng inutil na pamahalaang ito sa kalagayan ng mga manggagawang pangkalusugan. Dahil sa sobrang baba ng sahod at sa tambak na trabaho , napipilitan ang mga nurses at doctors na mangibang bayan upang kumita ng sapat na ikabubuhay. ARGHHHHH nakaka imbyerna talaga ang sitwasyon!
Nakilala ko si "ZACKY" at ang kanyang nanay ng i assign ako sa kaunaunahang unit o ward ko sa ospital na aking pinag tatrabahuhan ngayon. 16 yrs old lamang sya, sa batang edad nyang itoy nakaratay na sya sa banig ng karamdaman. Kwento ng kanyang nanay, lingid sa kanilang kaalaman, sumali si "zacky" sa isang fraternity na ang pangalan ay "TG", isinalang sya sa hazing. ilang araw ding napansin ni nanay na iika ika ang anak at nilalagnat, manapa’y isinugod na nya ito sa ospital. Dito napag alaman na nag tamo ng maraming bali si katawan si "zack" dulot ng matinding pagpalo at suntok na may kasama pang tadyak, ang masamay nadamay ang spinal cord ng bata. Dito’y inamin na rin ni zacky na hazing nga ang dahilan nito. Ilang buwan pa ang nag tagal may tumubong bukol sa parteng kanan ng kanyang kili kili, dinala na sya nito sa aming ospital. Tinubuan na ng cancer ang kanyang "damage" sa spinal cord at unti unti na itong gumagapang sa sistema ng katawan ni zacky. Masakit ang naging sakit ni zacky, hindi na nakukuhang matulog ng nanay nya dahil sa di ma pigil na pag daing ni zack sa sobrang kirot, mas masakit ito kay zack-alam ko halos di na maigawang ngumiti ni zack parating naka ngisi dahil sa sakit na umuuok uok sa kanya. Parati din syang nilalagnat. Kinausap sila ng mga duktor, wala ng pag asa —-noong isang linggo nag desisyon ang pamilyang iuwi na lamang si zacky, makalipas ang dalawang araw, pumanaw sya. Naalala ko bigla ang sinabi ko sa nanay nya at kay zacky isang araw bago sila nakatakdang umalis kako, nanay dapat ipag laban nyo pa rin ang nangyari kay zacky, wika nya malalaking tao ang babanggain baka balikan kami, sabi nya nang may luha sa kanyang mata," ewan di ko na alam ang gagawin ko" sinagot ko na lang sya ng ngiti, bumaling ako kay zack, kako zack naniniwala pa rin ako sa himala, kahit man lang sa himalang makukuha mo ang katarungan….
Bago lang ako sa pagsasapraktika ng propesyon ko, at alam kong marami pang zacky at nanay niyang makaksalamuha ko… kung may mabuti mang maidudulot ito’y ang araw araw na reality check na aking natatanganp na OO ngat makatwiran lamang ang pakikibaka ng mamamayan laban sa kawalang katarungan, pagpapabaya ng pamahalaan at panlipunang pagbabago…hindi lang dahil napag aaralan ko ito, kundi derekta ko itong nararanasan at nakikita.
August 11th, 2008 at 7:35 pm
ala lang.. sana mag graduate ako..