a tapang a tao—-a putol a kamay di a takot
Noong Nob 30, araw ng dakilang lider ng rebolusyong pilipino: Andres Bonifacio, idineklara ng mga multi sektoral na mga samahan na araw din ng Pagtakwil sa isang Bangkaroteng Gubyerno ni GMA,
Bagamat isang araw bago ang naka iskedyul na martsa protesta ay nanggulat ang grupo nina sen trillanes ng mag walk out sila sa hearing ng kanilang kaso at itake over ang isang high-end hotel sa makati…. nakakawindang ang mga sumunod na pangyayayri.Kinundena nila ang morally bankcrupt na pamahalaan ni gma, ang garapalang nakawan at suhulan at ang di maampat ampat na pagpaslang sa mga aktibista. Binira rin nila ang pag gamit sa militar sa mga illegal na aktibidad ng pamahalaan.Nanawagan silang magtipon tipon ang mga tao at mag lunsad ng panibagong people power, pero walang dumating, kung meron man kakaunti para makasindak kay gloria. Matapos ang ilang oras ay tapos na ang lahat, nasupil ang muling pag aaklas ni sen trillanes.
Kinagabihay nag text saken ang isang kaibigan, anu daw opinyun ko sa nang yare, kako simple lang: ang mga tao hindi ang mga bagay ang mapag pasya, ang anumang pagkilos para sa bagbabago ay parating dapat pinapahalagahan ang papel ng masa at ng sambayanan. Sa nangyare kay sen trillanes, tama ang kanyang mga panawagan pero walang masa component. Although sabi ko pa sa kanya, di nito ibig sabihing mahal na ng mga tao si gloria, maling mali ang ganung assumption.
Noong araw ng mismo ng a trenta may lakad ako sa makati, kaso nasa shaw pa lang ako nag text ang kaibigan ko, may emergency day syang lakad. Badtrip. Sakto namang nag text ang kaibigan ko, asking kung gusto ko daw sumama sa isang inter faith prayer worship sa may san cruz church kako SURE.
Nagsimula ang panalanging bayan at ang repleksyon sa magandang balita ugnay sa kasalukuyang mga pangyayari. Pinaalab pa ito ng pag kanta ng Pagibig sa tinubuang lupa, isang tula ng birthday boy na si ka andres. Matapos yun ay nag wika ang pari na sasama kami sa malawak ng pormasyon sa liwasan bilang pagkundena sa Bulok ng pamamahala ni gma. high na high ako nun, sa wakas makakapag martsa muli…sa wakas sa piling muli ng mamamayan…
Di ko inakalang ganun karami ang pupunta, puno ang buong liwasan, ito siguro ang patunay na di takot kay GMA ang taongbayan. Matapos ang maikling programa sa liwasang bonifacio… biglang dumagundong ang isang sigaw MENDIOLA…MENDIOLA…nalunod ang buong liwasan ng sabay sabay na sumigaw ang mga tao..mediola mendiola….Sigaw ng masa! Patalsikin si Gloria… inihanda ang hanay sa pag mamartsa muli… sinakop ang isang lane ng daan..pero instead na ma badtrip makikita mo ang pakikiisa ng mga natrapik na drayber at pasahero, may pumapalakpak, may sumisigaw ng ayos, may nag thuthumbs up, nakasalubong pa kami ng mga bombero na nag pawangwang habang nagthuthumbsup ang mga ito. nakakawala ng pagod, diko ramdam ang init… init ng militansya at ng pakikiisa ang nararamdaman ko…dumaan kami sa may avenida, sa may appliance store na nooy nag papa sounds ng kanya ng sex bomb,pinahinto ang tugtug ng may ari, kinuha ang mikropono at sumigaw; patalsikin na natin si gloria, tama yang ginagawa nyo.. hiyawan ang mga tao… Mejo paos na ako sa kasisigaw ng: Ang taong Simbahan… ngayon ay Lumalaban… sumegue ako sandali para bumili ng candy at inumin, kako sa aleng nag lalako ale pabili ng candy at isang maliit ng mineral.. inabot saken ang kendi at tubig ng nakangiti, ng iaabot ko na ng bayad..tinanggihan nya, pinilit ko kako bayad ko po ito,,, sabi nya noy wag nag, sumusuporta ako sa inyo, katunayan ang laki ng tulong nyo sa taongbayan kahit jan man lang makabawi ako..di kasi ako makakasama sa martsa… natigilan ako sandali, di ko alam kung sa hiya, sa kasiyahan o halo halo nang emosyon, na blangko talaga ako, si manang pa ang nag sabing nag sisimula na ulit ang martsa at baka maiwan ako….grabeng nagpasalamat ako at kumaway paalis.
Matagumpay sa kabuuan ang naging martsa, bagamat hinarang na sa recto pa lamang( pakshet ka mayor LIM liar), naipakita ng mamamayan na kahit anu pa ang gawing panunupil ni Gloria, mapa martial law man yan o Curfew, hindi tayo mag papatinag hanggang di sya nakakaladkad sa kangkungan ng kasaysayan.
Sa anumang pagkilos ang masa ang magpapasya.. sabi nga ng wikain sa liturhiyang sa santa cruz church… panginoong mapagmahal… lingapin mo ang sambayanan sa paglikha nila ng bagong yugto ng kasaysayan….
At ang mga katulad ni manang ang magbabago ng kasaysayan… manapa’y alam kong sa malaoy sasama at magiging aktibo din syang kikilos sa pag tatamo nito……..