shano

bakit lahat ng nag hohost sa wowowee ay tumitinis ang boses?

Archive for October, 2007


DESPERADO

Go to fullsize image

“Okay, before we go any further, can I check those diplomas? Because I would just like to make sure they are not from some med school in the Philippines."–desperate housewives

Ilang araw na ring pinag uusapan ang isyung ito, at siguro ngay dapat ko na ring talakayin para sa mangilan ngilang may pasensyang magbasa ng blog na ito( kung meron man).

Nakakagalit at lubhang nakakinsulto ito para sa akin. Hindi lamang dahil nilahat na ng statement na yun na tila baga alang ka kwenta kwenta ang mga eskuwelahang pangmedisina sa bansa, kundi dahil din sa pinagkakalat nitong palagay na alang ka kwenta kwenta din ang ating mga duktor at mga manggagawang pangkalusugan (personalan nato…ako bilang nurse)

Tama lamang ang ginawang pagtambol ng protestsa ng mga kinauukulan at hingin ang paumanhin ng istasyong gumagawa ng palabas na iyon.

Sa mga nagsasabing masyado tayong balat sibuyas–nirerespeto ko rin ang pananaw nila bagamat nais kong ipaalala na sa harap ng kaliwat kanang iskandalong ginagawa ng mga nasa katungkulan natin hindi na kaya ng lahing pilipino ang isa pang pangaaglahi.

Gayunpaman, kaipokritohang manawagan ang MALAKANYANG ng protesta sa nasabing isyu, sila ang pinakahuli kong iisipin mag protesta, di bat sila ang numero unong sumisira sa imahen ng bansang ito. Sa corruption index ng Transparency International: isa tayo sa mga nangungunang bansang talamak sa kurapsyon( obvious naman), sa latest SWS survey: 21 porsyento ng mamamayan ay nakakaranas ng gutom mas tumaas ito sa 19 percent noong lamang pebrero,Nagpahayag din ng pagkabahala ang Amnesty International, HumanRightsWatch at iba pang Human rights Bodies sa Di ma ampat ampat na pagpaslang sa mga mamamahayag at aktibista na ang tinuturong gumagawa ay ispesyal na DEATH SQUAD NG AFP at PNP, at syempre di bat nakakahiya ding may isang ambisyosa, kapit tuko at lasing sa kapangyarihang babae na nagpapanggap pa rin hangang sa ngayong sya ang pangulo? dagdagan pa ng asawang nyang ubod ng switik at kapawa nya magnanakaw.Sila ang nagdadagdag ng kahihiyan sa ating lahi, at alam na alam ito ng boung mundo, kung meron mang dapat iprotesta ng mas matindi ay ang mga ito.

Panghuli, GAGO AT WALANG ALAM ang mga scripwriter at mga gumagawa ng palabas na desperate houswives! Hindi nila alam ang paghihirap ng mga mangagawang pangkalusugan para lamang makapagtapos sa pagaaral sa harap ng isang deregulisado at komersyalisadong sistema ng edukasyon sa Pilipinas. hindi lang nila alam kung paano araw araw na nakikibaka ang mga mangagawang pangkalusugang naglilingkod sa mga komunidad at nangagamot ng kulang kulang ang gamit,walang sapat na suplay ng gamot at walang tamang kumpensasyon mula sa pamahalaan. AYON NGA SA ISANG PAGAARAL NG ibon FOUNDATION, 39 CENTEMOS kada pilipino lamang ang ginugugol ng ating mahal na pamahalaan para sa kalusugan ng bawat isang PINOY–hindi sila mula sa SOME MEDICAL SCHOOLS in the PHILIPPINES, sila ay mga bayani!

Hindi rin nila alam na ang mga duktor at narses na nagsisilbi sa kanilang mga amerikano at banyaga ang pinakamagagaling na anak ng lahing ito na dahil sa hirap ng buhay at kasalatan ng uportunidad sa bansa ay napipilitang mangibang bayan. Kaya may karapatan akong magalit na turingang FROM SOME MEDICAL SCHOOL IN THE PHILIPPINES lamang ang ating mga duktor at mangagagwang pangkalusugan……. bakit si GLORIA, nakaklase pa si Bill Clinton sa isang pamosong eskuwelahan sa ESTADOS UNIDOS, magaling ba sya all she do is screw our lives… tinimbang na sya ng kasaysayan.. tsk tsk mukhang she just came from some university in america..and shes found to be wanting……

Last na hirit…may mga panawagang iboycot ang desperate housewives, siguro wag na.. well di naman ako tagasubaybay on the first place, pero anu ba naman ang papanoorin sa isang show na ang tinatalakay ay ang buahy ng apat na malilibog na matronang tila baga lalaki lamang ang bumubuhay sa kanila… ang bababaw.

MABUHAY ANG MGA MANGAGAWANG PANGKALUSUGAN!

MABUHAY ANG MGA MANGAGAGWA!