shano

bakit lahat ng nag hohost sa wowowee ay tumitinis ang boses?

Archive for May, 2007


desaparacidos

Naghahanap ako ng magadang pampatulog na kanta sa youtube..dahil sa insomia na ata etong nararanasan ko. kako baka makatulong..di sinasadyang nakita ko ang video na ito ng bandang U2, naintriga ako sa titulo at matapos ko itong marinig ay hindi ako nag sisi, un nga lang di ako nakatulog, na agit ako lalo…given the fact na noong nakaraang linggo lamang isa na namang aktibista ang dinukot at mag pasa hanggang ngayoy di pa inilulutang. Sya ay si "jay-jay" Burgos, anak ng yumaong bayaning manunulat at human rights advocate na si Joe Burgos. Si jay jay ay dinukot sa loob ng ever Gotesco Mall sa harap ng maraming tao…ang tanging naisigaw na lamang ni jay jay ay: AKTIBISTA LANG AKO…. at syay tinangay na. Sino pa ba ang gagawa ng ganitong mga bagay? di na kataka taka, ang Alyansa ng Magbubukid sa Bulakan na pamrobinsyang pormasyon ng Kilusang Magbubukid ng pilipinas ay matagal ng mainit sa mata ng AFP. Isa pa ay ang napatunayan ng gawain talaga ng militar ang mandukot ng mga sibilyan at aktibista tulad ng ginawa nila sa Tagaytag5 at sa mga myembro n tinaguriang UMDJ5 na pawang mga tagsuporta ni Joseph Estrada.

humagulgul ako sa kakaiyak habang nagsasalita ang mga nanay ng mga taong dinukot at hindi na muling nakita pa doon sa CHILE noong panahon ng Diktador na si Pinochet. walang pinag iba sa pisikal at emosyonal na tortyur na pinagdaraanan ng mga kaanak at mahal sa buhay mga biktima ng sapilitang pagkawala at pagdkot.. nariyan sina Nanay Erlinda at Conception..mga ina nina Sherylyn Cadapan at Karen Empeno-dinukot habang nakikipamuhay sa mga magsasaka ng Bulakan para sa isang thesis completion, si Nanay Elizabeth-inat asawa ng mag amang Calubad na dinukot ng mga armadong lalaki sa quezon. sila at marami pang mga Ina, Ama, Kapatid at nagmamahal na sa araw araw na ginawa ng Diyos ay nag iisip kung buhay pa ang kanilang mga sinisinta.Ang bigat ng kanilang dinadala, at saludo ako s akanilang katatagan…may pag asa pa rin kait papano na sa andang huli’y lulutang ang mga nawawala, bagamat nariyan ang realidad na posibleng silay di na matagpuan. isa lamang ang mahalaga: sabi nga ni Nanay Erlinda sa isang pagtitipon: "…NAWALA MAN KAYO, KAMI ANG MAGPAPATULOY NG INYONG SINIMULAN…NG INYONG LABAN…."

tignan nyo na lang sa media box ko ang video ng U2..