astig na pelikula
noong isang linggo eh nagpaka film critic kami ng aking kaibigan at napasugod sa Glorieta cinema kung saan ekslusibong pinalalabas ang INNOCENT VOICES, umaga pa lang kinukulit na ako ng kaibigang kong manood ng sine… eh dahil promdi ayoko sanang maglalabas lalot pat naiimagine kong sasakay ako sa isang mainit at siksikang MRT papuntang makati, isa pa naalibadbaran ako sa mga nakikita ko sa mga malls gaya na lamang ng mga "livings maniquins" na makaksalubong mo..grrrrr nakakaasar sila ang sarap pag tanimin ng balinghoy sa bundok. Anyway ayun dahil sabi nya e astig yung pelikula eh sumugod pa din ako.
Maganda nga ang movie at di ko pinagsisihang nanood nito.Kwento sya ng isang batang lalaki na si Chava sa kapanahunang masigla ang sandatahang pakikibaka ng mga magsasaka sa El Salvador. Mulat sila sa realidad ng digmaan, araw araw ay naririnig nila ang engkwentro sa pagitan ng mga gerilya at mga sundalo,di nga lang minsang nagiging battle grawnd ang kanilang komunidad at nakikipag patentero sila sa bala. pero pinilit nilang magkakapatid at magbabarkada na mamuhay ng gaya ng ibang batang katulad nila, nagtatampisaw sa ilog at nakikipag habolan sa mga bus at sasakyan. Subalit di nila matatakasan ang realidad ng digmaan. Ang gubyerno at militar ng El Salvador nooy suportado ng AMERIKA, nagpapadala ito ng mga Kunsultant at mga sundalo upang tumulong sa pagsugpo ng mga gerilya( parang pinas noh) Ang mga kanong ito o "gringgos" kung tawagin ay kinakasuklaman ng mga mamamayan duon tulad ng pagkasuklam nila sa mga militar ng gunyerno. biro nyo pag tung tung mo ng 12 anyos ay gagawin ka nilang sundalo para madagdagan ang pwersa nila. E ang siste si chava e mag dodose na. nakita nya kung paanong bitbitin ang kanyang mga matatalik na kaibigan para gawing sundalo at natatakot sya. Buti na lang at mulat at palaban din ang mga pinaghuhugutan nya ng lakas. ang kanyang Tiyo ay dating aktibista na sumapi na sa mga gerilya, ang kanyang guro na ina ng kanyang kasintahy human rights advocate at ang Pari sa kanilang parokya ay militante at naninindigan.
Patuloy ang crackdown ng mga sundalo, sinunog ang bahay ng kanyang guro at dinukot, binugbog at ikinarsel ang pari matapos nitong kundenahin ang pangaabuso ng mga sundalo at patuloy ang pangunguha ng mga bata para maging child soldiers. Sina Chava na ang puntirya…imbes na magpagamit sa mga berdugong sundalo, pinili ni Chava ang umanib sa mga gerilya. Namundok sya.
Sinalakay ng militar ang kampo nila. nahuli siya at iba pa nilang kasama.. subalit nakatakas sya sa kalaunan. matatapos ang kwento na nakasakay sya sa isang refugee trak..papuntang estados unidos..pero sabi nya pinag bigyan nya lang ang kanyang inay..babalik sya dahil nasa El Salvador ang laban…
Maganda ang kwento..astig ang mga dayalog lalo na nung pari…wala akong masabi sa cinematograpiya, magagling ang mga nagsipagganap.maski batay mararamdaman mong totoo.
Malapit itong kwento sa ating karanasan bilang isang bansa at lipunan.
Unay dahil sa katotohanang patuloy na nakikibaka ang ating mga magsasaka at di iilan dito’y nagsipag hawak na ng armas: kasaysayan na ang mag tatakdat maghuhusga kung makatwiran ba ito..
Ikalaway ang amo-papet na relasyon natin sa amerika na hanggang sa ngayon ay Interbensyunistat diktador pa rin sa mga bansang tulad ng sa atin.
Pangatlong ay kung paanong ang mga mapapayapa, inosente at mga masayahing mga tao-kasali na ang mga musmus ay namumulat at naaalam ang pagtahak sa isang landasing marahas nga kung titignan subalit mapagpalaya sa diwa, pansarili at pangkalahatan. Dahil nagagagap nila ang kawastuhan ng paglaban sa harap ng paniniil,pambubusabos at pamamaslang.
Maganda ang palabas sa katunayany naiyak ako….pannorin nyo.tinangka pala naming mag ikot ikot sa quiapo.tsk tsk tsk walang kopya..sayang uy pero pag nakakuha kayo share nyo naman ha… hehehe salamat