ang pag tatanim bow….
naipublish ito sa catanduanes tribune at sa(www.catanduanestribune.com
| Ideyang Pagtanimin ng Puno ang mga kandidato Astig sa Kabataan! |
|
Ilang linggo pa lang matapos mairaos sa ating isla ang Ceasar Sarmiento Oratorical Cup, sa isang banda ay matagumpay ang nasabing patimpalak sa pag-pulso sa mga nasa isipan ng kabataan lalo na sa isyu ng ilegal na pagtotroso.Biro nga ng isang pilosopo’y, kung nakamamatay lamang daw ang mga pananalita ng mga"oratorical contestants" halos mawawalan ng empleyado ang DENR, PNP at mawawala ang karamihan ng pulitiko sa Catanduanes. Sa nasabing contest ay damang dama mo ang galit ng mga contestant sa mga nasa kapangyarihan na kadalasa’y mga" coddler" o operator ng illegal logging. Noong 2004 election ay nirekwayr ng COMELEC na dapat mag pa "drug test" ang lahat ng kandidato. Mukhang wala man lang isang na diskwalipika (siguro’y dahil di naman sila adik kundi mga drug lords) Ngayong 2007 elections iminumungkahi ng KABATAAN PARTYLIST na gawin ding rekwayrmnet ng COMELEC na lahat ng Senatorial "wanabees" hanggang sa mga kandidatong kagawad ang pagtatanim ng puno sa kani kanilang purok. Napakalaking tulong nito lalo na sa ating lalawigan na sinalanta ng isang unos na halos kumalbo sa ating mga kabundukan (yun eh kung di pa ito nakakalbo dahil sa ilegal na pagtotroso) Ang pagtatanim ng mga punong kahoy na ang pinakamaliit na maiiaambag ng mga Pulitiko sa pagkalinga ng kalikasan lalo na ngayong halalan. Kokunsumo ng libong tonelada ng papel (na galing sa puno) para sa kanilang mga "election paraphernalia" at kadalasa’y ipinapako pa nila ito sa mga pobreng puno "along the road". Ang proyektong "tanim puno" rin ay isang EYE OPENER o isang punto ng "panghihiya" para sa mga pulitiko na na kadalasan nga ay mga "coddler" o kung hindi may big-time operator ng mga ilegal na pagtotroso. Inaasahan ng KABATAAN PARTYLIST na itatambol nito ang maka-kalikasang kamalayan ng mga kandidato, pulitiko at ng taumbayan. Hindi naman mahirap magtanim ng puno. Nakaya nga ito ng mga estudyante na ginawang "REQUIREMENT" ng gubyerno sa kanilang NSTP at ROTC subjects ang tree planting. Dapat lang na kayanin ito ng mga pulitiko! Sabi nila mahal nila ang kabataan at ang taumbayan, well, isang pamamaraang patunayan ito ay sa pagtatanim ng puno. Ang mga puno’y humihinga ng buhay, maliban pa sa kagandahang dala rin nila sa ating kapaligiran. Para sa mga kandidato, ano ba naman ang isang oras ng pagtatanim at pakikiisa sa kalikasan sa tatlong buwan ng mapanira sa kalikasang pangangampanya at tatlong taon ng masamang pamumuno na mukhang ikakapahamak din lang naman ng mga puno dahil sa ilegal na pagtotroso? Contact us at: kabataan_catanduanes@yahoo.com Know our mission, vision and advocacies!"
kabataan partylist |