si manoy ompong……

a trenta y uno ng disyembre, super pagod ako kasi ako ang punong abala sa bahay namin, preparasyon para sa new year, tapos ko nang imarinade ang BBQ at nagluluto ako ng sauce ng spaghetti nang nag text ang isang kaibigan…’another BM memeber was killed in bicol, RODOLFO ompong Alvarado, BM 6th nominee, Provincial Chair at Regional Project Officer was gunned while on board his car by unidentified gunmen… Justice.." si manoy ompong nadale. gaya ng mga nakaraang pagpaslang namamanhid pa rin ako sa disbelief o siguro sa galit, hindi ko na alam siguro halo halong emosyon.
Badtrip sira ang new year ko… Si manoy ompong na super jolly, beteranong aktibista, mabuting asawa at ama. tataytayan at ninong ng marami at takbuhan ng mga naoospital at nangangailangan ng medikal assistance.. galing sa isang malaki at nirerespetong familia sa Ligao… tsk tsk tsk wala na talagang pinipili si Gloria at kanyang mga ulol na ulol na AFP/PNP deathsquads…
May panahon at pagkakataon para sa lahat… mahigpit ang paniniwala ko sa kasabihang ito.
Hindi nila tayo mauubos!yan ang katiyakan. Hindi nila mapapatay si manoy ompong siya at silang lahat ay patuloy na nariyan sa diwa ng sanlaksang masa.
paalam manoy…Humalakhak ka tulad ng malulutong mong tawa…patuloy ang pagtutuos…malapit na ang ating pagtatagumpay.
Bakit ba takot na takot si Gloria at ang mga militar sa Bayan Muna? sa ibang makabayang partylist o sa Pambansa-demokratikong kilusan? Bakit gusto ni gloria at ng militar na makitang durog at patay ang mga aktibista?
may sagot ang kaibigan ko sa isang text: whats d point in all these but to persevere? wht drives the regime 2 do these murders if not thier desperation… " and i say amen to that…
October 2nd, 2008 at 3:35 am
nice blog, thanks
buy diflucan