mga bagyo
sabi ng kaibigan kong nag miskol at nag text saken last sun day to check kung may sinal na ang cellphones dito sa isla namen…" kumusta naman jan? kumusta an bagyo?" kumusta ang p[rospects ng krismas ani pa niya…
kako okey naman, sabi ng mga matatanda eh ito na ang pinaka malakas na bagyong naranasan nila… malakas pa sa sening.. rosing o loleng ang mabuti lang daw ay umaga ito tumama kaya nakapaghanda ang mga tao.. oo nga ang lakas ng bagyo.. tumataghoy ang mga dalang hangin nito at masakit ang tama ng ulan sa sobrang lakas.. nakakabingi ang hangin ung tila baga nag tatake off of naglalanding an eroplano.. un dapat e ngumanganga ka o lumulunok ng laway para mawala ang pressure…ung kisami namoiin parang hinihigop.. habang pinapasok naman ng tubing ang lahat na pwde nitong suootan na nagpabaha sa loob ng bahay.. samantalang sa labas makikita mong nagtutumbahan ang mga puno at lumilipad ang mga yero…mga bandang alas tres tumigil gradually ang hangin at ulan… naglabasan ang mga tao para magkumustahan… saying comforting words sa isat isa lalo na sa mga nawalan ng bahay at kabuhayan… pagkatapos pa lang ng isang unos.. an mga taoy nagngingitian na, nag bibiruan… hmmm siguro ganito lang talaga ang mga catandunenyo.. sa dami ba mnaman ng mga bagyong dumaan, natural at man made….
tungkol dun sa ikalawang tanong kung kumusta na prospect n krismas… of course KRISISMAS ito.. bagsak an kabuhayan.. ang yumayaman sa ngayon eh mga hardware.. may genset na nagpapachrdge ng cp at 20 peso per hour rate at hehe ung mga pulitikong nagrerepak ng relif switching "maling meatloaf" into 555 sardines sila ang tumataba.. pero kako Hope springs eternal sa mga taga isla.. di kayang patumbahin ng isang reming.. ng isang super typhoon ang diwang palaban ng mga catandungenyo..kaya kako kahit brown out at nagiigib ng tubig sa pasko.. ngingiti pa rin ang mga catandungenyo.. at patuloy na makikibaka sa ma hamon ng kalikasan at ng buhay… amen to that bro….