obispo ng mahihirap, lingkod ng mga inaapi…

sabi ng isang kaibigan napaka morbid daw ng mga post ko ang dami naman daw napapatay na kaibigan o kakilala ko at ako naman daw e post ng post ng mga kwento nila sa freindster…kako wag ako ang sisihin mo kundi ung afp/pnp at si gma… sila kasi ang pumapatay…natameme yung kumag… kahapon habang pinapanood ko ang afternoon news sa anc i came across a shocking news na nagflash sa news bar nila… it reads.. aglipayan bishop killed in tarlac; police suspect robberry…. kinabahan na ako… malakas kasi ang kutob ko na syento porsyeto aktibistang obispo iyon( kasi ang mga tga IFI or aglipayan ay talagang tumitindig sa mga isyung pang masa, given pa na central luzon iyon) at ikalawa di iyon simpleng pagnanakaw..at lumabas na nga ang balita si Obispo Alberto Ramento ng IFI ay pinatay.. limang saksak ang umunday sa kanya at kanyang ikinamatay…nagflash saken bigla na nung nasa manila pa ako’y tatlong beses ko nakita at napakingan si Bishopp Ramento, sabi ko pa nga sa isang kaibigang UCCP member.. ang galing nung bishop na yun no? kalog…
Oo kalog ang impression ko kay Bishop ramento, unang napakingan ko syang magsalita noong malaking rally kontra CHACHA sa liwasan.. haay pagod ang lahat kasi nagmartsa from welcome to liwasan at kami nakalupaypay doon sa island sa tabi ng stage.. kwela lahat ng nagsilita nagpapalakpakan ang lahat lalo na ng sinabi ni Bishop Oscar Cruz na.. ngayong hunyo dose pinagdiriwang natin ang araw ng kalayaan.. subalit nakakalungkot na di pa rin tayo nakakalaya sa kamay ni Gloria…hiyawan…Noong si bishop ramento na.. sabi nya… huh noong nagmiting kami sa kalipunan ng mga obispo ng IFI.. unanimous ang aming desisyon.. hindi lang kami kontar chacha… OUST GLORIA pa kami… palakpakan ang lahat.. tapos ngingiti ng signiture smile nya si Bishop…tatawatawa.. kako kalog tong obispo na to..
Noong kami ay maimbitahan sa st. scholasticas college para sa isang STOP THE KILLINGS Fprum na pinangunahan ng mga taong simbahan.. andun ulit si bishop.. matapos ang napakabigat na mga testimonies ng mga pamilya ng bikitima kung saan baldeng luha yata ang na shed ko..nagkaroon ng open forum…tinatalakay ang ptindig ng mga Church pipol ukol sa pagharap ng kasong rebelyon noon sa anim na obispong katoliko at yung stand din ng church pipol ukol sa impeachment na nooy hinahanda.. tumayo si bishop ramento.. naka purple na longsleevna mukhang uniporme nila..sabi nya habang nakangiti.. " alam nyo nababahala ako sa balitang kakasohan ng rebelyon itong mga obispo, tulad ni bishop inuegez, tobias at kanilang mga kasama…pero nagulat ako na doon sa opisina ko eh text na ng text at tawag na ng tawag ang mga kaparian ng IFI(aglipay) ang sabi nila.. bishop dapa magpalabas tayo ng pagsuporta sa mga obispo na yan… kako oo syempre.." tapos tatawa si bishop" alam nyo gulat ako ha kasi BIHIRANG BIHIRA yun sa mga aglipayan ha..lalot ng obispong katoliko ito" tapos tatawa sya ulit sabay kindat..bumanat pa sya dun sabi nya " dito naman sa imeachment… kami hindi kami jan sasali! tumahimik ang lahat(kala siguro may schism na nagyari hehehe) sabay bulalas ni bishop.. relaks .. ang rason ay dahil we dont recognize her as president.. tawanan ang lahat.
Tawanan….un parati ang mapipinta sa utak ko pag naiisip ko si Obispo Ramento….syempre pa siguroy nagbubunyi na naman ang mga deathskwads ngayon..nakatira sila ng malaking isda.. isang Obispong Aktibista ang nadale nila.. ang problema di nila totoong nadale si Bishop o sinumang aktibistang pinaslang nila..patuloy silang buhay…buhay na buhay…at di sana maglaho ang mga tawa ni bishiop ramento…isumpa nawang multuhin ng mga tawa niya ang lahat ng may kagagawan nito… isumpa namwang saan man sila nagtatago.. sa kanilang mga kampohan, detatsment, safehouses o mga kabahayan.. multuhin nawa sila ng diwa at tawa ng isang dakilang alagad ng Diyos at mabuting lingkod ng Sambayan…Obispo Alberto Ramento….paalam