ano to lokohan?
isang news item ang nakakuha ng atensyon ko noong nakaraang weekend… sabi ng National Statistic and Coordination Board… yakang yaka daw ng mga noypips na mabuhay sa isang araw sa trenta y sais pesos( 36 PESOS)…AS IN trenta y sais ha. ito raw ang lumabas sa kanilang pagaaral.. ang Poverty Threshold ng mga pilipino ay 36 pesos and above. pang ulam pamasahe at lahat na….huh kala ko ng noon joke eh pero inulit pa ung balita kinagabihan.. aba eh nagmura na ako…Gago pala sila eh… isang NGO nga na connected sa UN ang nagsagawa ng eksperemento.. binigyan nila ng tig 36 pesos ang ilang urban dwellers o ung mga nakatira sa " iskwater" at inobserbahan nila kung hanggan saan makaka stretch ang 36 pesos.. ung isang mama, isang kilong bigas, pancit kanton na instant at panimplang toyo lang ang nabili… sabi pa nya.. buti pa ang mga namaamlimos mas marami pa siguro ang kikitain kes 36.. hahah ulol at gago talaga ang gubyernong ito, manatakin mo ang teorya nila pag meron ka nang 36 pesos sa isang araw eh di ka na mahirap.. aba eh kung ganun ang dami na pala nating mayaman.. pero alam nating hindi ito ang realidad… malayong malayo…. sa isang lipunang iilan lamang ang nanginginain ng yaman ng bansa…. malayo pa tayo sa pag unlad. Sa isang lipunang ang sumasalba sa ekonomiya ay ang mga dolyar ng mga mamamayan nitong napipilitang mangibang bayan upang mabuhay…malayo pa tayo sa pag unlad at sa isang lipunang parati na lang ginagago ng mga nasa kapangyarihan ang mamamayan…ang layo pa natin sa pag unlad…36 pesos daw ayos na? gago sila.. isalaksak ko pa sa mga bunganga nila ang binaryang trenta sais makuha nila! plain and simple na nakakaasar hrrrrrggggg! isa pa ha nakaktuwang nakakaasar na malaman na habang ang one third ng badyet ay pinambabayad utang ng pamahalaan at ginagastahan nito ng biylon bilyon ang militar 1.3 percent lamang ang binibigay nito sa KALUSUGAN o 35 centavos kada araw sa bawat pinoy..gago diba?
Nagnanaknak ang kahirapan at nagpapatuloy ang krisis pangekonomya, pampulitika at panlipunan sa Pilipinas at anu mang pagtatangka ng pamahalaang arroyo na itago ito ay tanda lamang ng sobra sobrang desperasyon nitong makapanatili sa poder…. kasama dito ang kating kati at atat na atat nilang isinusulong na cha cha at ang sisitematikong pamamaslang sa mga kritiko nito.
kahit na anong mangyari! OUST GLORIA PA RIN KAMI! kahit naa nung mauso KONSEHO pa rin Tayo!
We Say… AYOKO SA CHA_CHA NI Arroyo!
STOP POLITICAL KILLINGS!
