magsasaka sa lungsod
"magsasaka ang nagpapakain sa buong samabayanan at bumubusog sa bayang ito, subalit patuoy kaming lugmok sa kahirapan, pagkagutom at kawalan ng lupa, pinapaslang pa kami ng militar at inuusig ng rehimeng ito".isang magsasaka mula timog katagalugan
this week sa harap ng mejo hectic na sked sa mga personal na bagay..naisingit ko sa aking itenerary(naks may itenerary na akong nalalaman) ang pag dalo sa martsa ng anakpawis laban sa pambubusabos,represyon,kagutuman at pamamaslang… ito ay pag gunita din sa pandaigdigang araw ng kawalan ng pagkain at kagutuman.naglakbayan ang mga magsasaka mula timog katagalugan at bikol at mga kapatid magsasaka ng gitnang luzon. Naki join ako sa delegasyon ng mga taga timog katagalugan at syempre sa aming veri own BIKOL..yahhooooo.nakita ko ang pagod ng mga kasamang magsasaka mula sa 2 o 3 araw na paglalakbay papuntang maynila pero nandoon ang likas ng palabang diwa at di sumusukong paninindigan. kitang kita ito na sa harap ng sumasakit na kalamnan, mga kasukasuan at mga paltos sa paa.. nakukuha pang ngumiti at panaka nakay sumigaw ng mga chant kahit minsay sumisiyap na..sabi nga namin sa isang kaibigan mukhang nagbibinata.
mula kampo aguinaldo kung saan kinundena ang sistematikong programa at patakaran ng Gubyerno na likidahin at patayin ang mga aktibista lalo na iyong mula sa pambansa-demokratikong kilusan nagkaraban ang delegasyon papuntang heart center kung saan naka ditene pa rin si Congressman Crispin Beltran… ang representante ng Anakpawis partylist na pilit pinatatahimik ng pamahalaan… ang anakpawis partylist ang tagapagbandila ng mga isyu ng mga mangagawa, magsasaka at maralitang taga-lunggsod…..manapay dapat itambol sa buwan ng mga magsasaka ang isyu ng represyon sa mga tagapaglingkod nito.Bago nilisan ng delegasyon ang ospital… sa isang tagpo na talo pa ang PAPAL AUDIENCE sa roma, nagpakita si kasamang crispin beltran sa kanyang bintana..may winawagayway na puting panyo…habang sa malayo kami ay nagkakawayan at nagwawagayway ng mga bandila, ang ibay emosyunal at mauha luha..kahit sa ganoon paraay maipakita man lang namin ang lubos na pakiiisa namin sa pakikibaka ni ka crispin…matanda na at may sakit pero patuoy na naglilingkod sa sambayanan.sabi ng huling ispeker…."ka crispin, di ka nagiisa, ikaw ay nakapiit sa isang karsel diyan sa ospital…kami sa labas nakapiit naman sa mas malawak at malaking bilangguan tinatawag na piipinas….isang lipunan bilango ang sambayanan sa tanikala ng kahirapan at pambubusabos".
Mula heart center, tangan ang mga streamers, bandila at mga sulo…nagmartsa ang degasyon papuntang DAR, mejo malayo pero sabi nga ni ate ann ng bikol..parang di nakakapagod pag marami kang kasama. kako oo nga eh.nakakatuwa din ang mga kababayan nating lumabas ng kanilang mga offices at bahay na sumasabay sa mga chant. OUST GLORIA! PATALSIKIN! sabay side comment with matching taas kamao tama yan! ayos yan!
Nakakakilabot tignan ang daan daang kataong may daladalang sulo..halos mamula ang lansangan sa liyab nito.mas nakakakilabot yun sa kabilang dulo ng daan e may sasalubong sayong daan daan ding kasama mula din sa malayo tangan tangan din ang mga sulo. nagsalubong ang dalawang delegasyon sa harap ng DAR. nagyakapan sa ngalan ng mataimtim na pagkakaisa.pinuno ng mga pananalita at pagtatanghal ang gabing iyon.
inaumagahan, nagmartsa mula qc patungong mendiola…. quite lenghty at nakakapagod sabi ng mga dumalo.pero as usual hinde evident. palaban pa rin ang mga kasama. hinarang mga mga gago..este mga pulis pagdating sa may recto…dahil likas na mapayapa di tulad ng mga berdugong afp at pnp doon na nagprograma ang mga kasama. puno ng militansya ang buong programa na highlighted ng pagsunog sa isang malaking effigy ni PESTENG GLORIA( isang pigura ni gma na daga). sabi ng kaibigan kng nurse.. DISPLACEment daw un.. turning once anger toward other non living stuff… kako collective anger yun.simbolismo.at banta ng magsasaka na darating din ang araw na tayong nararami ang magwawagi. pag sumisigaw ang isa: SINO SINO SINonG TERORISTA? nayuyugyug ang mga haligi ng lrt sa tugon… si gloria si gloria si goriang terorista! sabi ng kasama ko bakit terorista?
kako kinocondone nya ang mga pagpatay sa mga activist. and sa kabuhayan ng mga magsasaka at ng mga pinoy terorista din sya. matakin mong takot ang hinasik niya noong ipatupad nya ang e-vat, sa rapurapu na unti unting pinapalubog ng mining na isa sa mga priority projects nya. s amga gutom na pamilya ng magsasakang bitoma ng land use conversion. dn pa lang terorista na sya.
LUPA, SAHOD, TRABAHO at KARAPAYAN! IPAGLABAN
natapos ito sa siang awit:
Hindi tayo tititgil hanggang di nagwawagi, ang ating mithiiy magkapantay panatay .walng magsasamantala, walang mangaapi, yan ang saligan ng ating pamumuhay…
at natulog ako ng mahimbing ng gabing iyon… bitbit bitbit ang mga panibagong lakas na makatarungan ang ipinaglalaban ng kilusan. at magtatagumpay ito. para sa anupat inialay ng mga kasama ang pagod hirap at naging chaka ang kanilang feet t the highest level ung di tayo magtatagumpay in the end or should i say soon… hehehe
( subject to editing pa okey)

