isang malakas na sigaw ang gumising sa amin.. mula ito sa isang ka officemate…. si ambo daw patay! tang na! saan kailan paano?!!!! di na namin alam ang aming ginagawa ng mga panahong iyon… umiiyak nagmumura nagdadasal nag aalala… panaka’y inientertain pa rin sa isipang biro lamang ang lahat…sana nga ganun lang …hello helo noy hello isang kasamahang pilit kinukumpirma ang pangyayari.. nakita ko umiiyak na sya mayamaya naglulupasay na, di na natapos ang paguusap wala na si ambo… nasa punerarya na daw inaayos na ang bangkay……
Makalipas ang ilang oras nalaman na namin ang buong kwento… isang araw bago ang pangyayari.. nagdiwang si ambo ng ika 21 taong kaarawan.. dahil super close-knit ang family nag handa talaga ang pamilya ng kahit konti.. sabi ni ambo ng pabiro.. bakit pa naman kayo naghanda… tapos bubulong bulong…sabi ng tatay nya pinaghandaan naman yun ng mama nila at pinag ipunan din kahit papano.. ayun nag katuwaan na sa bahay ng mga Guran ng magdamag.
mga mag aalas singko 45 ng umga naghanda na ang pamilya ihahatid nila si ambo, ang kanyang lola, tiya at isang kapatid sa terminal..nakaupo na silang lahat ng tumayo si ambo at magyoyosi daw…pagbalik umupo na sya sa bandang likuran dahil may nakupo na sa dati nyang kinauupuan.. nag lagay ng headphone at nagbababasa na ng harrypotter ng biglang may tumayo sa harap niya at pinaputukan siya ng sunod sunod.. matapos matiyak na utas na ang buhay ni ambo relaks lang na naglakad ang lalaki paalis.
Si ambo ay isang masayahin at kwelang kasama, biro ko nga sa kanya dati dapat pala nag stand up comedian na lang sya-to put his talents to where the cash is ika nga hehehe, kasi talagang kahit rally yan o seryosong mga usapan he’ll find ways para makalusot ang mga jokes nya
Pero nman pagsalitain mo yang si pare ay sus kala mo FQS days pat namumulaklak ang bibig..astig yang si pare
Gaya ng bawat aktibistang iki-nomit ang buhay sa paglilingkod sa kapwa at sa sambayanan, alam ni ambo na delikado ito..na itoy di b-day party kung saan mag eenjoy ka.. hindi. dahil sa proseso nito inuuga mo ang paghahariharian ng iilan hanggang mabuway sila sa pagkuntrol ng ating lipunan.
At itoy isang marahas na kumprontasyon…
Sa digmaan ng mga berdugo at ng mabubuting taoy nawala si ambo ..ngunit ang digma’y dapat ipagpatuloy dahil ang pinakamataas na parangal at pagdakilang maibibigay nating sa mga tulad nila ay ang magpatuloy..sa pagpapanday ng isang lipunang iniiralan ng pagkakapantay pantay, hustisya at kapayapaang nakabatay sa katarungan…Hindi kayo mamamatay ambo, dahil tanging pag kayoy aming nilimot saka kayo mamamatay…. at hinding hindi mangyayari iyo..kung may isang katiyakan man liban sa bukang liwayway matapos ang madilim na gabi ay ito: na magtatagumpay ang ating dakilang kilusan tangan ang inyong mga alaala, na patuloy kayong kasama sa aming mga diwa…
padi, arog kan sinabi mo sa rapu rapu kan yaon na kita sa dagat ta pinahale kita ni capitan asuncion… SA HULIY ANG SAMBAYANAN ANG PINAKAHULING HUKOM…. nalalapit na ang paghuhukom padi.
sa alaala ni rei mon guran….rambo kina noynoy,tintin,tatay arnel at nanay marideza, ambo sa mga kaklase at kasama…mabait na kapatid, maalalahaning apo at pamangkin, mabuting anak nakanyang mga magulang…isa sa pinakamabuting anak ng sambayanan…