salamat sa mga “bastos”
hulyo kinse…
dahil sa sobrang pagod at sa kaunaunahang trapik na naranasan ko sa maynila, napaidlip ako ng mas maaga pagkadating ko sa bahay… kinaumagahan ko na nabalitaan na may nang heckle na naman kay aling gloria sa up-pgh kahapon.
magkahalong saya at galit ang aking nadama habang pinakikinggan ko ang balita sa loob ng fx na sinasakyan ko, galit dahil sabi ng reporter eh pinagbubugbog, inuntog pa sa ulo saka ikinulong ang mga rallyistya at pinagiisipan pa raw kasuhan ng inciting to sedition!mukhang nauulol na sa kasisipsip ang m ga ugok maprotektahan lang si ma’am, masaya dahil sa harap ng mga nalalaman nilang panganib ay buhay na buhay ang militansya ng mga kasama, maipaabot lamang sa pekeng pangulo ang disgusto at hinaing ng mamamayan sa maling pamamalakad nito at upang singilin si gloria sa kapabayaan nito sa edukasyon at kalusugan ng mga noypips.
pero pero pero tulad ng inaasahan at tulad na rin ng ginawa nila kay tere pangilinan, dinemonize na naman ng mga tagapagtanggol ni arroyo ang mga rallyista kesyo wala daw modo, bastos at kawalang asal daw ang ginawa ng mga ito…. letse silang lahat… mga ipokrito sa kailalimlaliman ng kanilang mga buto!
tulad ng prinsipyong cause and effect, paniningil at reaksyon ang mga nasabing pagkilos sa pinaka bastos na ginawa sa atin ni gloria at ng kanyang mga asungot, ang dayain ang eleksyon, nakawan tayo ng dangal at ngayoy magpusturang akala mo kung sino… di lang yan kabastusan kawalang hiyaan pa iyan to the highiest extent!
nang nasa may morayta na kami at kabababa lang ng isang estudyanteng katabi ko sakto namang nasa konklusyon ng kanyang komentaryo sa radyo si gerry baja, sabi nya…"grabe ang ngit ngit natin tuwing tayoy natatrapik pag nagrarally ang mga taong ito.. mga taong nagsasakripisyo sa init ng araw at usok ng tambutso maiparating lamang ang hinaing ng taongbayan… mga hinaing at panawagang atin din nating dapat ipinananawagan pero masyado tayong busy o takot upang gawin ito….kung ang lahat ng nagsasabing patalsikin si gloria ay dapat ikulong… di magkakasya ang mga kulungan sa bansa sa dami ng nagnanais ng pagbabago….." sa puntong iyon diko alam kung ano ang iniisip ng drayber at ng pito ko pang kasama sa fx.. ang malinaw lang tahimik kaming bumabaybay papuntang quipo ay mukhang tinamaan ang kaharap kong ale at tango sya ng tango habang nagsasalita si gerry… napayuko na lang ako at kinausap ko ang aking sarili…. ngayon pa lang vindicated na ang mga hecklers,,, ngayon pa lang vindicated na ang kilusan ng sambayanan…… at habol ko ulit salamat sa mga bastos….