si manong at ang buwaya
Thursday, June 22nd, 2006hunyo 22,2006
di ko akalaing sa napaka uneventfull na araw na katulad kaninay may mga inihahanda palang sorpresa ang kapalaran na hmmmm…nagpayaman na naman sa aking karanasan at kamulatan…
habang binabaybay namin ang espana mula sa maynila papuntang cubao area.. pumara ang isang sakay ng fx na sinasakayan ko sa unaunahan ng stop and shop sa kanto ng vicente cruz.. sabi ng drayber eh duon na lang daw sa unaunahan dahil bawal at saka medyo masisipag daw manghuli ngayon ang mga nagtatrapik…umoo naman ang mama na may dala pang pizza… duon sya ibinaba ng drayber sa espasyo bago mag kanto… nang biglang….. tulad ng isang villain sa pelikula eh…kabloommm!!!!! biglang lumabas sa eksena ang isang mama na nakadamit bughaw…pinara ang fx at pasigaw na hinihingi sa mamang drayber ang lisensya at sinabing nakakaabala daw kami sa trapik…balasdubas daw ang drayber at walang disiplina.. nelecturan pa kami ni manong… wag daw naming kinukunsinti ang drayber… e syempre sabi namin walang nmaang kasalan si manong pero lam nyo ba ang ginawa sa amin nagdirty finger pa itong MMDA deputized trapik opiser..nakaasar… biglang inorder nito na baklasin daw ang plate number ni manong.. animoy diyos syang nagmamando sa mga tauhan nya habang kami namay nakatengga na ng mga kalahating oras sa daan…gusto ko nang sumabat kaso ay napangunahan ako ng sobrang pagod at nasindak din ako sa apat na lalaking medyo agitated na sumaklolo sa amo nilang nakilala namin na tumutugon sa pangalang jj.gochanco…. ang hirap ng sitwasyon ni manong hetot marangal syang nagtatrabaho pero may mga tao talagang nabubuhay din talaga sa paninindak ng iba…nooy kala ko eh isolated case lang ang mga tulad nito…tipong cliche na na pagbintangan ng pangaabuso sa mga drayber ang mga nasa poder at may poder.. totoo pala iyon.. naawa ako kay manong sabi na lang namin pagpasok nya sa fx matap[os makipag katwiran sa mga ugok.."yaan mo manong makakaganti din tayo sa kanila" maluha luha si manong dahil ilang araw din nyang bubunuin ang pantubos sa plate number nya at lesinsya…..hanggat ang lipunan talaga natin ay nananatiling ganito…hindi maiiwasan ang mga enkwentro ni manong at ng mmda boy.. enkwentro ng mga api at mga taong nagaapi para makakain…tsk tsk tsk di pala kaya ng V_fresh* ang lahat ng bagay.. sabi nga ni manong"buti pa nito mamundok" di ako kumibo….
baka di nyo na gets ang v-fresh ung new ad nila panoorin nyo anyway bubble gum pala yan hehehe