lider estudyante…. anak…kapatid.. at kaibigan
responsableng lider estudyante….mabait na anak…malalahaning kapatid…at masyahing kaibigan..marami pang ibang masasabi para kay cris hugo,pero kung susumahin si cris ay mabuting tao at isa sa mga pinakamabuting anak ng bayan.
pinatay siya noong marso 19 alas dyes kinse ng gabi ng tatalong balang tumanin sa kanyang dibdib. ang isay tumagos pa sa kanyang tagiliran.
hindi ko alam ang aktwal ng cause od death pero pihado akong nadale ng mga maiinit na bala ang mga vital organs ni cris, puso at baga.
ng pinagmamasdan ko ang walang buhay nyang katawang nakahandusay sa punerarya, di ko maalis sa isip ko na noon lamang isang linggoy kausap ko pa sya, masiglang masigla at panaka nakay ngumingiti at tumatawa, na noong nakaraang linggo diy nakita ko pa siyang nagtutro ukol sa kung paano ba maglunsad ng mga pagaaral uko sa mga isyung pangkabataan, bagamat mataray ang dating binabawi nya na lang ito sa mga smiles and lambing nya pagkatapos….na noong isang taoy kakalase ko pa sya sa isang pagsasanay…aktibo sa mga talakayan, at noong cultural night ay nagpresent pa ang grupo nila ng isang skit na may saliw ng Dapat Bawiin ng patatag—ang steps nila ay ginaya sa Laban o Bawi ng sexbombs–tawanan pa kami, na noon ding training na yun pormal syang nabawtismuhan bilang si dopey.. base sa karakter ni dopey na smallest among the seven dwarfs–puno ng halakhakan!
Iba ngayon, alas dose singkwenta ng madaling araw, ang cris na puno ng sigla ay bangkay ng nakahandusay sa isang punerarya, walang buhay—balot ng pighati at pag iyak ang paligid…mula sa mahal nyang kapatid, mga sis at brod sa frat, mga kasama sa kilusan at ilang estudyanteng naugnayan niya.
sa gitna ng mga itoy kinukulong ko na sa aking alaala ang mga panahong kasama ko siya. masasayang panahon. minsan malungkot din, gaya noong 2004 kung saan pinagbubugbog siya ati kinulong kasama ang lima pang iba nang tangkain nilang ipaabot kay Gloria Arroyo ang mga isyu ng kabataan,kantiyaw pa namin nung nakalaya na sila matapos ang isang araw, madadagdagan na sa wakas ang mga myembro ng SELDA sa bikol…pilit kung kinakandado ang mga gunitang iyon dahil hindi ko tinatanggap na patay na siya. hindi!subalit hindi ko man tangapin, nagpupumiglas pa din ang realidad na wal na si cris, wala na siya
Alam nating ang kamatayan ay dumadapo sa kahit sino..lalo ngayon madalas atang dumapo ang paru-paru ng kamatayan sa mga aktibista…hindi ito kataka taka…anut anu man ang sabihin ng mga nabubulagan tungkol sa pambansang demokratikong kilusan at sa mga aktibista.hindi nila mapapasubalihang tangan nila ang sulo ng pagbabago,at gagap nila ang isyu ng mga maralita.silang nakipamuhay, nagaral at natuto mula sa masa ay isang pwersang kinahihintakutan ngmga ulol at hibang na ang tanging nais gawin at ipreserba ang kaslukuyan kaayusang panlipunan, lipunang kontrolado ng iilan samantalang ang nakakaraming maliliit ay nagdarahop.
Bakit ninyo tinarget ang puso ni cris hugo? dahil ba ang tibok nitoy nagtatambol ng pagbabago? dahil ba ang dugong binobomba nitoy bumubuhay sa pagasa ng mga aba?
bakit ninyo tinarget ang baga ni cris hugo? dahil ba ang simoy ng hanging nlialanghap niyay nagbabantang maging bagyong wawalis sa mapag samanatala?
bakit ninyo tinarget si cris hugo? dahil ba tinik syang di maalis alis sa inyong namamahong lalamunan?
Subalit alam nating hindi sila nagtagumpay na bawiin sa atin si cris! sa tanong nga ng kanayang humihibing kapatid sa punerarya kung tapos na daw ba ang misyon ng kuya nya, susubukan kong sagutin… hindi pa ninay hindi pa natatapos ang misyon ng kuya taloy mo…at umasa ka, umasa nawa ang sambayanang inulila ni cris, marami pang magtutuloy ng misyon ng isang cris hugo…..marami pa kasaysayan at samabayanan na ang gumanti!
ps sinubukan ko ngunit tila bigo akong maging obhetibo sa sulatin kong ito, pag pasensyahan na muna ninyo…siguro pag mejo ok na babalikan ko ulit ito at i rereconstruct ko ulit..nangilangan lang ako ng tsanel ng aking emosyon..