si madam jung at ang lipunan
Medyo naadik na ako sa mga koreanovelang nagsulputan ngayon..bagamat pinipilit kong tumangkilik ng sariling atin di ko naman magawa kasi halos lahat pantasya ang tinatackle o kayay lantarang eskapismo at puro iyakang walang katuturan…napasin ko kasi itong jewel in the palace at talagang masasabi ko na maganda ang setting at ang istorya nito…well maliban syempre sa masasarap na chibog na hinahanda ng mga tagapaglingkod ng hari…bagamat alam naman nating nandyan pa rin ung tradisyunal na recipe ng mga telenovela may mga katangi tanging mga scene at dayalogo nag palabas na sadyang “music in my ears”. Ngayong gabi ay namatay na si madam jung(eto ung matandang babae na guardian angel nung bida) at nakakatuwa ang mga sinabi niyang dialogue habang pinapakita ang scene ng pagkamatay nya sabi niya(voice over) sa aking maikling buhay, maliit lamang ang naging ambag ko sa mundo, marahil dahil buong buhay koy nanatili ako sa palasyo, na akin na ring nagging bilangguan.ngayong akoy wala na,ikalat ninyo ako sa hangin kasama ng mga ulap……. Tunay ngang isang progresisbong babae si madam jung para sa kanyang panahon masasabing isa syang “woman ahead of her time” dahil bagamat nakukumutan ng isang patrialkal at pyudal na lipunan , sa kanyang mga mumunting paraan ay pinipilit nyang maghulagpos.bagamat sya rin ay may mga kahinaang tulat ng pananahimik at bulag na pagsunod sa mga utos ng nakatatas hindi natin sya masisisi dahil isang ngang mapanupil na lipunan ang kanyang ginalawan isang monarikya patrialkal na lipunang pagaari ng Hari ang mga babaeng tagapaglingkod.. Sa kasalukuyang panahon kailangan natin ang mga pananalitang ito,sa isang panahon na puno ng kahirapan at lantad na lantad ang kotradiksyon sa pagitan ng mga inaapi at mga mangaapi, isang panahon na iilan lamang ang naghahari at kumukuntrol sa yaman ng bansa samantalang ang nakakaramiy nagdarahop at walang wala… kailangan nating huwag magpakakulong sa loob ng ating mga sariling palasyo, sa ating mga comfort zones!alamin natin ang mga isyung panlipunan na umaapekto sa atin at sa ating kapwa.matuto tayong magtanong…..bakit mayrong mga aktibista at sibilyang pinapatay ng military? Bakit ipinaglalaban ng mga manggagawa ang karapatan sa nakakabuahy na sahod?bakit isinisigaw ng mga magsasaka ay lupa? Bakit dapat nating patalsikin si Gloria at mga susunod na pangulong tataraydor sa mamamayan?Huwag nating hayaang ibilanggo tayo n gating takot at apathy.Makisanid tayo sa malawak na kilusan ng mamamayan,isang kilusang magdadala ng malakas na hangin ng pagbabago,upang mahawi ang madilim na ulap n gating pagkaalipin at pagkabusabos.Nang tulad ng sianbing panghuli ni madam jung: AKOY MALAYA NA…..TAYO RIY LALAYA
